.

InvisionFree - Free Forum Hosting
Create a free forum in seconds.

Learn More · Sign-up Now
ANNOUNCEMENT:


Hello MyROnian,


I would just like to inform you that our MyRO Forums has moved to a new host and has a new layout.

Please visit us at the following links:


http://www.forums.MyRO-ph.com

http://www.forums.myroserver.com (redirect)


Kindly register a new account in this new forum to keep abreast of the latest discussions and Server announcements. Facebook integration will soon be implemented which will mean signing in via Facebook will soon be possible.


Mabuhay MyRO!


* Admin *



Name:   Password:


Announcements




 

 How To Lose A Friend, by me :D
donthangmeup
Posted: Nov 2 2009, 02:28 AM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



Chapter 1: Gaddemmet


"...Putang inaaaaaaaaaaa! Plus nine Legendary Golden Big Axe koooooooo!"

Bulyaw ko sa harap ng monitor habang pinanood kong maglaho yung gamit ko sa FlyFF...

"Tangina kasing lag yan Jokweng! Hindi ko tuloy napindot yung SPro ko! Puta... Wala na, gago... Statted pa yun, puta... STR at STA dagdag... Tang..."

"...! Eh, malay ko naman jan?!" sabi nung bantay sa shop "Eh hindi naman ako naglalaru nyan..."

"Bwisit talaga..." sabi ko.

Ayun, bigo sa pag-uupgrade ng nag-iisa kong gamit, nagpalakad-lakad na lang ako kung saan-saan. Naghahanap ng makakausap. Nag blinkwing ako sa Flaris, sa Saintmorning, sa Darkon para makalimutan ko yung kay-saklap na pangyayareng naganap sa buhay-FlyFF ko...

"...Shit." bulong ko sa sarili ko...

Tumayu ako sa computer ko at nagpalakad-lakad sa loob ng mainit na computer shop. Oo, may aircon, pero nakapatay. Nagtitipid yung may-ari eh... Mahirap na daw ang buhay. Sabagay, puro tambay lang naman daw yung naglalaro, sanay na daw sila sa init...

Haler?!? Tambay ba ako? Pffft...

Habang naglalakad-lakad ako, nakita ko ang bantay na si Jokweng na naglalaro ng Ragnarok. Nakita ko gamit nya monk. Tinanong ko siya,

"Jokweng, Valkyrie ba yan?"

"Hinde...", sagot nya saken.

"E ano yan? Valhalla? O yung New Chaos?", tanong ko ulit sa kanya.

"Gago ka ba?", sabi nya asken na parang asar na asar sa hindi ko napapansing katangahan ko. "Nakikita mo ba yang baps ko?"

Sabay ang tingin ko sa monitor ni gago...
Ok...
Blessing...
Increase Agi...
Impo...
Gloria...
Kyrie...
Improve Concentration...

What the...?!?
Diba archer class lang may improve concen skill? Bakit ganon?!?
Sobrang takang taka talaga ako. Akala ko nga bagong item siya sa mall... Improve Concentration Scroll...

"Tanga... Kaya nababasagan ka ng gamit na hindi naman dapat mabasag... Basahin mo nga: "MY-RO", sabi nya sakin na parang ako talaga yung pinaka bobong tao sa balat ng lupa...

"Ahhhh! Private server? Parang DarkRO?", sabi ko na parang naliwanagan na sa mga nangyayari sa paligid ko.

"Oo..."

"Hanggang anong level yan?", tanong ko kay Jok.

"Hanggang 99 lang. Para ngang online lang 'to... Mabilis lang magpalevel, tapos yung drop ma---"

"Oo, alam ko mga private server... Hindi naman ako tanga, eh...", sabi ko sa kanya, of course, defending what's left of my pride. "E, pano mag-register dyan?"

"Wehhhhh... Diba FlyFF laru mo? Wag ka naaaa...", nangaasar na sagot nya saken.

"Sige naaaa...", pilit ko habang sinasakal ko siya.

"ARAY! ARAY! ARAY! O sige na! Ikaw na dito!"

"Hehehe...", sabay tabig ko sa kanya at upo sa computer na tinayuan nya. "Jok, anu i-cclick ko dito?"

"E 'di MyRO. Talino mo talaga..."

Top
donthangmeup
Posted: Nov 3 2009, 11:19 AM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



@^ RO-heh.gif

walang magawa eh...

---------------------------------------------------------------------------------------------


Chapter 2: Vee El Ei Dee Eee


Pag-kaclick ko nung icon ng MyRO na nakatago sa kasuluk-sulukan ng folder ng Ragnarok, lumabas ang isang maliit na window. Ang sabi sakin ni Jok...

"RE-GIS-TER", sabay turo sa monitor ko.

"Oo, alam ko" sabi ko sa kanya.

Cinlick ko yung Register na sinasabi nya at lumabas ang Firefox na window na nilalaman ay control panel ng MyRO.

"O ayan," sabi nya saken, "alam mo naman na siguro yan."

"Oo," sabi ko, "ako na bahala dito."

Matapos ang ilang minuto, natapos na din akong makapag-register. Agad agaran kong hinanap yung icon ng MyRO sa folder ng Ragnarok sa computer na inuupuan ko. Bakit kaya tinatago 'to nung bantay sa shop? Hmm...


Anyway, pagka-click ko nung start, I entered my username at password.

Eto na... Iniisip ko...
Ano kaya ilalagay kong pangalan?

Ayun na naman kaya ulit?
Hindi na ako nagbago eh...
Philippine RO Odin, yun pangalan ko.
Nung lumipat ako nang saglit sa Chaos, ayun pa din ang ginamit ko.
Nang tinamad akong mag bot at mag woe at gumastos ng 100 per week sa load sa RO, sumubok ako ng ibang laro.
Philippine Flyff Shade server, ayun pa din gamit ko...
Nung ma-introduce ako sa mga private servers tulad ng DarkRO... ayun... kelangan ko pa bang sabihin?

Hays...

Cinlick ko yung Create na icon sa Character Selection window...
Inayos ko yung stats.

STR 9, AGI 9, DEX9, INT 1, VIT 1, LUK 1...

At inilagay ko yung pangalan ng una kong character sa MyRO...

"...Vlade." sabi ko matapos kong i-type yung character name.

Pinasok ko yung character ko at binati ako ng isang lugar na pamilyar sakin.

"Aw... Jok, diba items mall 'to?", tanong ko dun sa bantay ng shop na kasalukuyang nag-dodownload ng MyRO sa ibang PC dahil inagawan ko na siya ng pwesto.

"Oo..." sabi nya saken na parang inis na inis pa rin. "Jan mo makikita lahat ng kailangan mo. May healer, may buffer, may job changer, may mga NPC ng gamit, tapos may warper sa lahat... Lahat lahat meron jan. Tignan mo na lang."

Tama nga siya. Lahat nga ng kailangan mo meron dito...
Nagpalakad-lakad ako at nakita ko na meron ding NPC na nagbebenta ng boss cards...

"Wow! GR!" sabi ko na parang sabik na sabik nang bumili nito.

"Tanga, sa NPC merong GR card. Madami dyan o... Tignan mo, may Deviling pa nga eh..." sabi nya sakin.

Ako naman, excited na excited, nagpunta kagad sa buffer at healer, cinlick sila pareho, at dumeretso sa warper. Hinanap ko ang Ant Hell. Malamang. May mga Ant Egg doon. At alam kong hindi sila gumagalaw. Nung makakita na ako ng Ant Egg, tinype ko "/nc" at agad kong pinalo yung halimaw.

Naasar ako.
Hindi na nga gumagalaw yung itlog, nagmimintis pako...
Ang bobo...

Siguro mga dalawampung palo, namatay na din yung monster.
Level 16 na ako.
Job Level 10 na din ako.
Tinype ko kagad @load at ibinalik ako sa NPC Items Mall.

Tinanong ko kay Jokweng, "Jok, nasan yung job changer?"

"Sa kanan pagka-warp mo," sabi nya saken.

Nakita ko din sa wakas.
Lumabas ang window.

Archer? Mage? Swordsman? Thief? Merchant? Acolyte? Taekwon? Gunslinger?

"Hmmm... Jok! Anu maganda?" tanong ko dun sa bantay na busyng-busy sa ginagawa nya.

"Ewan ko. Ikaw bahala. Account mo yan e."

Bahala na nga. Isip ko.
Napansin kong madaming Assassin Cross...
So baka mabilis lang kumuha ng gamit 'non.
So sige...

Thief Class...
Top
donthangmeup
Posted: Nov 6 2009, 04:17 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



RO-sry.gif

Nabasa ko yung tulad nung mga hinahakot ni EJ mula sa RagnaBoards... Ang HA-HA-BA ng chapters...

RO-hmm.gif

Eniwei...

Enjoy icon_4laugh.gif

-----------------------------------------------------------------------------


Chapter 3: NPC


Medyo may katagalan na din akong naglalaro ng Ragnarok kaya kung ikukumpara ako sa ibang mga baguhan dito sa server na ito, alam kong nakalalamang ako.

Una sa lahat, alam ko kung papaano ako makakakuha ng pera...

Vlade: kuya palimos po
Vlade: sige na po kua kahit 10m lang pambili lang gamit


Ayan. Ganyan ang gawain ko. Nasa MoA ako noon. Lumalapit sa kung sino man ang malapitan ko. Bihira mabigyan. Mabigyan man. 1 zeny lang. Mga kuripot...

Well... Nung simula lang iyon... Hindi nagtagal, natuto ako ng mas mabilis na paraan para magpayaman. Pumupunta ako ng PvP room - Alberta man o Morroc, at doon, nagpupulot ng mga bungo ng players. Kadalasan, sa isang balikan ko, nakakakuha ako ng mga 2m sa pagbenta ko ng bungo... kahit hindi ako yung pumatay.

Pangalawa, hindi tulad ng karamihan sa mga naturingang 'newbie' sa server na ito, alam ko kung saang lugar ako dapat magpunta. Ang pinaka-una kong save point: Izlude.

Maliit na lugar ang Izlude, pero lahat ng kailangan mo nandito.
Syempre merong Healer, Buffer, PvP warper, Emperium na ginagamit sa WoE, bilihan ng pots, bilihan ng kung anu-ano, at MvP warper. Meron pang Coin Trader, Reset Girl, Job Changer at POD NPC... Kung anu man yun...

'Pat on my back for a job well done' ika nga...

Hindi nagtagal, nagkaroon na ako ng confidence sa (quote) skills (unquote) at gamit ko. Sinubukan ko nang sumabak sa PvP room...

Ang dating tanyag na taga-pulot ng bungo, ngayon, lumalaban na.
Assassin Cross ko ang gamit ko noon.
Agi type syempre, saan ka naman nakakita ng assassin na hindi agi diba?
Kalokohan 'yon...
Double dagger ang gamit ko.
Malakas kasi yung double attack.

Kung tama ako, naaalala kong gamit ko ay +8 bloodlust bloody explosive gladius.
Sa left hand naman, +10 (Wow! +10...) double bloody double exlosive main gauche.
Armor ko noon, +9 Thief's Clothes na may Ghostring Card... Syempre, susulitin ko na diba?
Sapatos ko, +9 Superior Shoes
Garment ko, +9 Deluxe Muffler
Accessory ko, dalawang Ring of Muscle

Yung headgear ko, pinagipunan ko... Takot nga akong i-upgrade kasi baka mabasag... 20m yun... Sayang...

+7 Zherlthsh Mask... +5% more damage to demi-human, take 5% less damage from demi-human...

Ang lakas ko... Isip ko sa sarili ko...

Nakakapatay ako sa PvP...
Syempre, ang lakas ng atake ko, 'no. Umaabot ng 2000 kapag nag double attack. Mayroon kasing Enchant Deadly Poison na skill... Nabibili pa yung poison bottle sa NPC. Taob kagad ang kaaway. O dba?

Lugi nga lang ako sa mga Wizard...

Ang sakit nung Storm Gust nila.
8k mahigit lang kasi buhay ko.
Isang tama nung Storm Gust ay 2000 ang bawas sa akin.
Kapag na frost ako, wala na, patay na...
Mabuhay man sa Storm Gust, Jupitel naman ang susunud.

Hays... sabi ko sa sarili ko... Bakit kaa hindi ako gumawa ng wizard?
Tutal, sabi ko, mabilis lang naman magpalevel, at alam ko na ang gamit ng ganoon...
Madali lang 'yon...
Top
donthangmeup
Posted: Nov 9 2009, 11:13 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



Sa mga sumusubaybay: Enjoi icon_4laugh.gif

--------------------------------------------------------------

Chapter 4: War of Emperium


Sa naaalala ko, ang pinaka-unang guild na sinalihan ko sa buong paglalaru ko ng MyRO ay yung Team Rocket na hawak nung taekwon na kalbo na nakasuot ng poo poo hat na si xCrucial...

Ang gusto ko kasi, everytime na sumali ako sa isang guild, doon na lang ako mananatili hanggang makakaya ko... or hanggang mawala sila... kung anu man yung mauna...

Isang gabi, after ng War of Emperium, nag Emergency Call yung GM namin sa labas ng Culvert sa Prontera para magbigay ng sahod. Nag PM ako sa kanya kasi ito actually yung first time na maka-complete ako ng WoE at maka-experience ng tinatawag nilang "sahod time"... at sobrang naguguluhan talaga ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta.

ArchMageVlade: GM san po kuha sahod?
xCrucial: w8
ArchMageVlade: ok po


Nag pub si xCrucial maalpit dun sa NPC na guard na nakalagay "PTLs" bilang title ng pub.

Nag PM ulit ako sa kanya

ArchMageVlade: kuya anu pu yung PTL?
xCrucial: party leader
ArchMageVlade: ahhh ok
ArchMageVlade: ty po


Ilang sandali lang, may naglapitan na na mga players sa GM at pumasok sa pub nya... Sumunod ako... Kasi baka bibigyan na sila ng sahod... Syempre ayoko namang maiwanan diba? Sayang yung effort ko dun sa isang oras na ginawa ko. Aba! Defender ata ako. Storm Gust, Meteor Storm, Lord of Vermillion... Lahat ng AoE skills meron ako. May Ganbantein pa'ko, anti-Land Protector. Say mo? Natutunan ko 'yon sa mga ka-shop ko dati nung naglalaru pa ako ng pRO. O diba? Super fast cast pa... Panis...

Pumasok ako sa pub nung GM namin...

ArchMageVlade: GM sahod ko po
xCrucial: sa PTL mo kunin tol
ArchMageVlade: sino po PTL?
xCrucial: kaninong party ka ba?
ArchMageVlade: wala po
Ha Li BeL: no party no salary
ArchMageVlade: aw
ArchMageVlade: bakit po?
Ha Li BeL: nakalagay sa notice
ArchMageVlade: aw...
ArchMageVlade: edi wala po ako sahod?
Ha Li BeL: wala
xCrucial: inde sige, deal moko


Agad akong umalis dun sa pub at lumapit sa kalbong taekwon para i-deal ko siya.

20 Mithril Coins.

Pumasok ulit ako doon sa loob ng pub.

ArchMageVlade: kuya bat po ganto?
xCrucial: papalit mo sa coin trader
ArchMageVlade: yung sa MoA po?
Ha Li BeL: uu... meron din sa SP natin malapit dun sa WoE warper...
ArchMageVlade: ahh, sige po... thx


Lumabas ako sa pub nung GM. Indi nagtagal, lumabas na din yung mga members na pumasok at isa-isa silang nagpuntahan sa mga pila ng mga ibang members doon sa labas ng Culvert.

Nakuha ko na.

Para maayos yung pagbibigay ng sahod, may mga Party. At kapag nagbibigayan na, sa party leader ibibigay ng GM yung pampasahod at yung PTL yung magbibigay sa mga member nila.

Medyo may katagaln din yung process ng pagbibigay ng sahod. Naghintay lang ako doon, pinapanood yung ibang mga members. Isa-isa na silang nagaalisan.

Hindi nagtagal, ako na lang at si Ha Li BeL ang natira doon sa lugar na iyon.

Ha Li BeL: bt and2 k p?
ArchMageVlade: ate pde sali po yung breaker ko?
Ha Li BeL: labas mo
Ha Li BeL: tignan ko


Ni-log out ko yung High Wiz ko at nilabas ko yung Lord Knight ko.

Nag warp ako papunta sa Culvert Level 1 at lumabas para makapunta kung saan nag EC kanina yung GM namin.

LordVlade: ate e2 na po

Sabay "/heh" ni Ha Li BeL nung makita nya yung Lord Knight ko.

Ha Li BeL: pa open equips kuya
LordVlade: ok na po


Pinakita ko sa kanya yung gamit ko:

+9 Neutral Helm
Angel Wing Ears
Iron Cain
+9 Ghost Full Plate
+10 Muramasa
+9 Immune Manteau
+10 Green Boots
at dalawang Ring of Counter

LordVlade: breaker po ako ate
LordVlade: pwede po ba?
Ha Li BeL: bawal po eh...
Ha Li BeL: sori


Tapos biglang nawala yung Lord Knight na si Ha Li BeL.
Ako na lang mag-isa yung nandoon sa lugar na iyon.
Nagtataka kung bakit ayaw niya akong tanggapin sa guild.
Maayos naman gamit ko ah.
+10 nga yung Muramasa ko. Crit type LK, breaker na breaker...

Nag @load ako at bumalik na ako sa Izlude - nagtatanong sa kung sinu-sino kung saan makikita yung Coin Trader.
Top
donthangmeup
Posted: Nov 11 2009, 01:05 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



@all

RO-sry.gif kahapon...

nawalan bigla ng net sa shop malapit sa bahay...

pinutol daw ng PLDT...

badtrip nga ako eh... nasulat ko na... ayaw mag post...

no DSL connection daw... icon_sweatdrop.gif sabaw...

RO-heh.gif

e2 na... enjoi icon_4laugh.gif

--------------------------------------------------------------------------------


Chapter 5: The Arrancar


Summer nung mga panahong iyon. Wala akong allowance, so hindi ako araw-araw nakakapaglaro. Pero maski hindi ako nakakapaglaro, nakakadaan pa din ako sa shop na pinaglalaruan ko, tumatambay, nanonood, nanggugulo ng mga naglalaro. Palibhasa kasi kapitbahay lang namin yung shop.

Kapansin-pansin ang biglang pagdami ng mga naglalaro ng MyRO doon sa shop namin. Kung dati, kaming dalawa lang ng bantay yung naglalaro, ngayon, halos lahat na ng nakaupo sa mga PC, ang nilalaro MyRO. Pati yung mga dating adik sa BabyRan, na isa pang private server na naka-install doon sa mga PC sa shop, naglalaru na din ng MyRO. Lumalaki na populasyon namin.

Hapon noon nung nakatambay ako sa loob ng mainit na shop.

Mamayang 7 pa ang woe... Mga 6 ako uupo, para sulit. Inisip ko sa sarili ko.

Umuwi ako ng bahay para mag-merienda. Naligo ng pangalawang beses para sa araw na iyon. Dinampot ko phone ko na bihira magka-load at ang coin purse ko na ang laman lang ay trenta pesos, sakto lang para dalawang oras na maglaro, at dumeretso sa computer shop sa katabing bahay.

Pagdating ko doon, wala...
Walang tao. Naka-on pa yung aircon... Swerte...

Pinili ko yung paborito kong number. Number 5. Ayun kasi yung lagi kong nauupuan. Nakasanayan na kasi eh. Saka parang medyo mas mabilis ang pag load doon kaysa sa ibang number.

Nagbukas ako ng MyRO at ni-log in ko yung account ng character ko na Vlade.

Mga 6:30 na noon. Malapit na mag woe.

Pinili ko yung high wizard ko na character na naka sali sa Team Rocket. Pumasok ako sa laro.

Aba! Puta! Laking gulat ko! Wala na akong guild!
Kinick ba ako?
Kung oo, bakit?
Loyal namn ako ahh...
Saka hindi ako tulad ng mga ibang player na laging AFK o naka Alt+Tab.
Pucha naman o...

Nagtanong-tanong ako sa mga tao sa Izlude kung sino man ang nakakakilala sa mga members ng Team Rocket o nakakaalam kung anu na ang nangyari sa guild ko.

ArchMageVlade: kuya hillsong
HillSong: po?
ArchMageVlade: anu po nanyare dun sa Team Rocket na guild?
HillSong: hindi ko po alam
HillSong: baka po walang woe today
ArchMageVlade: ahhh...
HillSong: mag woe ka ba?
ArchMageVlade: opo
HillSong: try mo muna lipat guild tol
HillSong: may ibang guild din dito sa Izlude
HillSong: yung bluff gusto mo sumali don?
ArchMageVlade: sige po
HillSong: pub ka sa gitna tapos open eq na lang
ArchMageVlade: ok, thanks po


Tapos ng paguusap namin, iniwan na ako nung WS at pumasok na siya sa PvP room. Nagpunta ako sa kalagitnaan ng Izlude, nag open equips at nag pub nagsasabing "sali po guild".

Hindi nagtagal, nakakuha ako ng invitation.

You have been sent an invitation to join (Arrancar Espada) guild.

Shit. Hindi naman ito yung sinabi nung Whitesmith sakin na guild ah. Bluff ata yun kung tama yung naaalala ko.

Puta, 6:40 na. Malapit na WoE. Sige, dito na lang ako. Amfff...

Naalala ko yung sinabi nung LK na si Ha Li BeL...
No party, no salary.
Amf... Baka ngayon hindi na talaga ako mabigyan kapag wala akong PT.
Agad akong nag-pub. "sali po pt" nilagay ko.

(Team Satig) you are invited to join this party.

In-accept ko.

Nagpa-buffs ako at nagpa-heal, inaabangan ang unang EC ng bago kong GM. Isa nanamang taekwon - si kuya Aizen.
Top
donthangmeup
Posted: Nov 11 2009, 02:33 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



sinipag icon_4laugh.gif

------------------------------------------------------------


Chapter 6: And then there was her...


Kinaumagahan, matapos kong bumili ng tinapay mula sa bakery sa kanto, dumaan agad ako sa shop sa tabi ng bahay namin kung saan nagwawalis yung bantay na si Jokweng. Pumasok ako para tignan yung loob ng shop at nagulat ako ng makita ko yung tatlong pinsan ko na ka-aga-aga pa lang ay nakaupo na sa computer.

Guess what?
MyRO ang nilalaro nila...
Si Utoy at ang kapatid nyang si Nini, gamit BioChemist, nasa hidden dungeon, naghuhunt ng berries. Si Tino aka Kulot naman, nasa MoA, naghahanap ng gamit para dun sa knight nya. Hah! Noob...

"Jok," tawag ko sa bantay, sabay tingin nya naman saken "tulungan moko mamaya. Gagawa ako prof. Di ko alam build non eh..."

"Int Dex. Talino mo talaga. Taga-UP!" pang-asar na sabi sakin nung bantay

"Inde, bobo... Yung skill... Di ko alam skill ng prof eh..." sabi ko sa kanya.

"Ah! Ako kuya RJ alam ko..." mahinhin na singit nung pinsang kong si Utoy.

"Patingin." sabi ko.

"Wait, kapag lumabas kasi dito, bumabalik sa save point eh."

"Ahhh..." sabi ko na parang ngayun ko lang nalaman iyon "Sige, mamaya na lang, maya pa naman ako maglalaro eh... Mga 3..."

Sinungaling. Wala na'kong pera eh. Pano ako maglalaro...
Haaayy....

Lumabas ako ng shop at bumalik ng bahay, iniisip na kung paano kaya ako makakakuha ng pera para makalaru mamaya... Sayang naman. Ang ganda ng kasi WoE kahapon. Gusto kong maulit ulit. May action. Papalit-palit kami ng castle. Una Gondul, tapos mga susunod, Yesnelph naman o Bamboo. Pero nung natapos na yung WoE, amin ang Gondul. Doon ako sa wiz lane. May clown na naka-Bragi's, edi syempre, spam lang ng spam ng skill... Pinagpapalit-palit ko yung Storm Gust ko at Meteor Storm. Ang saya. At syempre sumahod ako, may party ako eh. Aba! 50m ang nakuha ko. Edi syempre lalu akong ma-momotivate mag WoE diba? Malaki na yung 50m baka akala nyo...

Pagdating ko sa bahay, todo sermon ang abot ko sa nanay ko kasi ang tagal tagal ko daw bumili ng tinapay.

"Eh, ang daming bumibili eh... Saka hindi ako makasingit, puro babae yung nasa harapan..." katwiran ko kay mami...

Sinungaling. Na naman.

Lumipas ang umaga at tanghali ko sa loob ng bahay. Nababagot ako. Walang magandang panoorin sa TV. Sawang-sawa na ako sa mga kanta sa cellphone ko. At ang PSP, binabakaw ng kapatid kong baboy... Haaayy...

Alas dos na ng hapon noon, at dahil wala akong magawa, napagdesisyunan ko nang gawin ang isa sa mga paborito kong gawain...

Matulog.

Napasarap ang tulog ko.
Nagising ako madilim na. 8 na ng gabi.
Fuck. Tapos na WoE.
Baka na-kick na ako. Sayang naman. 50m ang sahod dun sa Arrancar Espada kasi, kumpara sa Team Rocket na 20m lang.

Dinaan ko na lang sa pagkain ang pagkadismaya ko.
Nagsipilyo, nagbihis at natulog.

Kinabukasan, nag-iwan si inay para sa akin ng singkwenta pesos. "Allowance" ko daw kasi napapansin nya na wala akong ginagawa sa bahay kapag walang pasok. Not like I have a choice diba? Hehehe... Nice...

Pinalipas ko ang tanghali at hapon sa loob ng bahay, nagtatyaga sa palabas sa TV. Nung mga 6 na, agad ang punta ko sa shop sa kapitbahay.

May bakante.

"Jok, may MyRO dito?"

"Oo," sagot nya saken "lahat yan nalagyan ko na."

Nakaupu ako sa tabi ng pinsan kong si Nini na kasalukuyan ding naglalaru ng MyRO nung mga panahong iyon. Nakita kong naka-pwesto yung character nyang BioChemist sa upper pront, naka-vend. Mukhang nag-iintay lang siya ng WoE.

Binuksan ko yung account ko at pinili ko yung high wizard ko.
Laking gulat ko na lang at puta! Walang online sa guild! Bakit ganon? Tapos yung members na nakasali 12 lang. Bakit ganon? Parang nung isang araw lang nung nag WoE ako, 50 yung members namin na online.

"Puta naman oh..." bulong ko.

"Bakit, kuya RJ?" tanong ni Nini na mukhang narinig yung sinabi ko.

"Wala... Wala na naman kasi akong guild eh."

"E, ano ba guild mo?" tanong nya saken.

"Yung Arrancar Espada." sagot ko sa kanya.

"Ahhh! Ayun pa din guild ko ngayon. Yung si Aizen yung GM?"

Nanlaki mata ko. Nagulat ako sa sinabi nya.

"Oo. Panung siya pa din GM nyo? E nandito ako sa guild nya, walang online." sabi ko na parang takang taka sa pinsan ko.

"Hindeeeeeeeeeee! Nagbago na ng guild. Pero sila pa din yan." sabi nya sakin.

"Ahh... San save point nila?"

"Upper pront."

7 na. Nagsimula na ang WoE. Kailangan kong magmadali. Nag-warp ako mula Izlude papuntang Prontera. Binaybay ko ang napakaraming naka-pub ng kung anu-ano. Nakarating na ako sa taas ng Prontera.

Agad akong nag-pub sa tabi ng Kafra para mabilis nila akong mapansin.

"sali po guild", nakalagay sa pub ko.

Matapos ang ilang minuto, may lumapit sa akin na babaeng Lord Knight na nakasuot ng dilaw na sungay.

Pumasok siya sa pub ko.

(k a s s i e) has entered the room
k a s s i e: loyal ka ba?
ArchMageVlade: malamang ate
ArchMageVlade: tgnan nyo po guild ko
k a s s i e: ahahahah
ArchMageVlade: sali po ako guild
k a s s i e: aw
k a s s i e: leave guild den recon
ArchMageVlade: ok w8


Umalis ako sa pub at nag leave ako sa Arrancar Espada.
Nag-character select ako at agad ding bumalik.

You have been sent an invitation to join (Union) guild

In-accept ko.

ArchMageVlade: ate PT po
k a s s i e: di na nid
ArchMageVlade: aw
ArchMageVlade: bak8 po?
k a s s i e: loyal ka eh


"/no1" nya sakin. Ilang saglit lang at na-ecall na kami sa isang Guild Castle. Gondul. Nice. Mukhang sila nga ito. Sabi ko sa sarili ko.

Natapos ang WoE at nagbigayan na ng sahod. Lumapit yung GM sakin at nag flag siya.

Dineal nya ako.

In-ok ko at binigyan nya ako ng 50 pirasong mithril coins.

ArchMageVlade: ty pu
x kAi: lagyan kita nick
x kAi: ^^
ArchMageVlade: aw
ArchMageVlade: ty pu kua kai...


"Union's Pride" Ayan yung nilagay nya sa akin. Above all the other members. Only because I was loyal. Very loyal.

x kAi: BRB

Sabi sakin nung GM sabay flag nya sa akin at pub sa tabi ng PvP room warper ng "~BRB yosi".

Ang daming ibang guild na nasa save point ng bago kong guild ngayon. Mayroong Supreme Noodles, Secondfloor Boys at Vindicated. Naisip ko na mukhang makakakita na ako ng kaibigan ko.

Totoo.

Ilang minuto matapos kong simulan ang aking pag-tambay sa upper pront, may lumapit sa akin.

ReTrY: kuya try

ReTrY has sent you a duel invitation. Type (@accept/@reject)

ArchMageVlade: aw
ArchMageVlade: baka isang EF lang ako
ReTrY: try lang po
ArchMageVlade: sige

You Have accepted the duel invitation!


Sabay body relocation nung babaeng champion na naka pink na damit na nakasuot ng AoA, Elven Ears at Romantic Flower.
Nag-cast ako ng Storm Gust sa kinatatayuan nya.
Nag-body reloc lang siya. Isang hit lang ng SG ang tumama.
Nag-cast si champ ng Finger Offensive.

ArchMageVlade: aw

Amf! Na-frost ako.
Sabay ang lapit ni champ girl. Asura. Dapa.

Ni-resu nya yung high wiz ko.

ArchMageVlade: ty
ReTrY: may champ ka kua?
ArchMageVlade: wala po
ReTrY: aw
ArchMageVlade: gagawa pa lang
ReTrY: ok cge

(ReTrY) wishes to be friends with you.


In-accept ko.

Pinindot ko yung Alt+Z para makita yung party window, then lumipat ako sa tab ng friends.

"ReTrY"

May kaibigan na ako sa MyRO.
Top
donthangmeup
Posted: Nov 12 2009, 11:27 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



RO-sry.gif

wala eh...
nasimulan ko kanina sa skul pero indi din natapos...
nalunod aq sa DoTA

icon_sweatdrop.gif

eniwei...
e2 na... bawi mode...

Late Night Edition

RO-heh.gif

-----------------------------------------------------------------------------


Chapter 7: Bored like shit? Go hunt a boss!


Kinabukasan, kabubukas pa lang ng Kiddo's --- (~ayun po yung pangalan nung shop na kapitbahay lang namin na ang aircon ay pang display lamang at binubuksan lang kapag may chicks sa loob o anjan yung may-ari) --- nakaupo na kaagad ako sa paborito kong PC.

Ang bantay na si Jokweng ay nagtitimpla ng kape sa likod ng shop. Kagigising lang ni ungas.

"Jok!" tawag ko dun sa mukhang inaantok pa na bantay "Paturo mag champ!"

"Ehhh... Ang aga-aga..."

"Geh na..." pilit ko sa kanya.

Tumalikod na lang siya at sumipsip ng kape. Nagmakaawa ulit ako sa kanya na turuan nya na ako ng build ng champion dahil alam kong mas may alam siya doon kaysa sa akin. Ipinagmamayabang kasi nya sa aken na dati daw siyang Champion sa Valkyrie. Ewan. Basta, hindi na niya ako pinansin.

Natapos nang mag-load yung PC ko. Agad kong hinanap yung icon ng MyRO sa desktop at sinimulan ko na ang araw ko.

Pagka-log-in ko ng high wizard ko, sinalubong ako ng ghost town.

Pucha. Walang tao sa UP.

Nagpasya na lang akong magpalakad-lakad muna sa Prontera. Nagpunta ako sa gitna at sumalubong sa akin ang hindi mabilang na taong naka-pub ng kung anu-ano.

Kapansin-pansin yung letrang "p" sa mga figures na nakalagay sa pub nila... Merong 29p, may 8p, tapos may 1p+z pa... Yung "z" alam ko. Zeny 'yon. For sure. 100%. Zeny ibig sabihin nung "z".

Nilagpasan ko ang pawang-palengke sa dami ng tao na gitna ng Pront at medyo bumaba ng onti para tignan yung mga naka-vend.

MvP Drops / Cards

Ayun yung nakita agad ng mata ko.

Ako naman si atat, double-click sa shop nung player.

Amf!

1,000,000,000 para sa Vesper Card?!?
500,000,000 para sa Garm Card?!?
120,000,000 Vesper Core 02?!?
50,000,000 Vesper Core 01?!?

E yung 50m na yun parang sahod ko na yun sa isang woe eh... Amf naman...

Dismayado sa nakita ko sa gitna ng Prontera, bigla ko na lang pinindot ang Alt + 9 kung saan nakalagay yung @return ko.

Nakabalik na ako sa Upper Pront. Sa wakas!
May tao na! Pero hindi ko siya kilala. Hindi siya kasi taga-Union kaya hindi ako maka-relate. Sunflower yung emblem nung guild nya. Lord Knight sya tapos nakasuot ng Majestic Goat. Pero parang iba ata itsura... Parang mas malaki ata yung sungay nya... Mas astig... Pweh! Ewan! Bahala na nga!

Naupu-upu na lang ako sa Upper Pront.

Tinatamad ako. Di nagtagal, napagpasyahan kong mag boss hunt na lang.

Hinanap ko yung MvP warper sa save point namin.

Tang... Walang MvP warper! Tragis na yan oh...

Nagwarp ako papuntang Izlude. Ayun ang unang-una kong naging save point kaya alam ko na may MvP warper nga doon. Tama ako. Meron nga. Nag-save muna ako sa Izlude. Tapos pumasok ako ng MvP room...

Dala-dala ang super fast cast kong high wizard, isa-isa kong tinignan ang mga pwede kong pasukan na room...

Alpha...
Beta...
Theta...
Upsilon...

Bahala na.

Pumasok ako sa Alpha MvP room.
Sinalubong ako ng pamilyar na lugar...

"Ahhh!" sabi ko sa sarili ko "Parang yung sa DarkRO lang to, no, Jok?" tanong ko dun sa bantay na mukhang disinterested pa din sa akin at sa ginagawa ko

Anyway, hindi ko na pinansin yung hindi nya pagpansin sa akin. Binaybay ko yung unang room sa Alpha MvP.

Shit!

Eddga! At malapit na siya sakin!

OMG OMG OMG OMG OMG

Nag-cast ako ng Storm Gust kay Garfield at sa mga asungot nya...

Nice... Na-ubos ko yung mga Bigfoot.
Aba! Nag-summon ulit si ungas. Hah! Walang kadala-dala... Bobong MvP...

Nag-back ako ng onti at muling nag-cast ng Storm Gust.
Dapa nanaman ang mga mobs ni Eddga... At mukhang nasasaktan na din si ungas sa ginagawa kong offense... Sinubukan ko na ngayong gumamit ng Amplify Magic Power. Puta! Mas malakas! Kung kanina, dalawang tamaan ng SG yung mga Teddy Bear, ngayon, isa na lang! Shet! I'm so strong...

Mga ilang ulit kong ginawa yung ganoon.

SA-WA-KAS!

Congratulations! You are the MvP! Your reward is 40691 Exp.
You got Tiger Skin.


"Wahahahaha!" bulyaw ko sa loob ng PC shop "Dapa!"

Lumapit sakin si Jokweng na mukhang tapos na sa pagkain ng almusal. Sa tagal ko ba namang kinalaban si Garfield eh...

Excited na excited ako dahil napatay ko yung boss ng mag-isa ako.
Eto namang si Jokweng parang hindi impressed sa ginawa ko.
Putek! Boss yun! At pinadapa ko mag-isa! Panis.

"Tanga..." sabi sakin nung bantay "mas maganda kung champ pang hunt mo. Asura tapos @load lang yan para tipid pots. Tapos HEAL!"

"Eehhh... Ayaw mo akong turuan eh..."

"Amin na."

Umupu sa katabing PC si Jokweng at binuksan ito.
Matapos mag-load ng computer ay agad nyang binuksan yung MyRO.
Pinakita niya sakin yung champ niya.

Hindi nagtagal napagpasyahan ding turuan na ako ni ungas.

"Sige wait lang..." sabi ko kay Jok "Isang boss na lang. Malay mo may card na i-drop diba?"

"Sus... Ang tagal mo nga pinatay yung Eddga eh... Pano pa kaya kung..."

Hindi pa tapos masabi ni Jokweng ang sasabihin nya, biglang may lumapit na dilaw na tao sakin na may dala-dalang mga dilaw na pusa.

"Moonlight!" sigaw ko "Diba may bumibili ng card nito? 200m ata yun nakita ko kanina sa Pront..."

Hindi na lang tumingin si Jokweng sa PC ko.
Mukhang alam na niya ang mangyayari sa akin eh...

Inilapit ko ang high wiz ko kay moonlight.
Chineck ko kung OK lang distance ko.
Nag-cast ako ng SG.

Nice!
Tumama!
3 hits, dumapa na yung mga nine tails na mob nya.

Nag-back ako ng onti.
Nag-antay mag cooldown yung skill ko.
Sabay nung pwede ko na siya gamitin, WHAM!
Storm Gust!

Pero bakit ganon?!?
Hindi tinatamaan si Muning?!?
Putang inaaaaaaaaaa!
LandPro!

Sinubukan kong mag-back pa ng onti para umalis si Muning sa LandPro nya.
Umalis nga siya.
Eto na pagkakataon ko.
Nag cast ako ng SG...

"PUTANG INA!" sabay tingin ni Jokweng sakin nung sumigaw ako.

Blessings canceled
Your speed has decreased
Weapon damage has been reduced
Barrier canceled


"DISPEL PUTA!" sigaw ko ulit "May ganun pala yang putang inang yan..."
Top
donthangmeup
Posted: Nov 14 2009, 06:39 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09




Chapter 8: My close encounter with the POD


Sinubukan kong tumakbo pero napapalibutan na ako ng mga alagad na lobo nung babaeng pusa. Kinakatay ako ng mga hayop. Hindi na ako makagalaw. Pinipindot ko na ng todo-todo yung Royal Jelly na nakalagay sa F3 ko para hindi ako ma-deads.
Nilapitan ako ni Muning at nilaglagan niya ako ng isang sakong ginto.
Putang ina.
Patay ako.

Nag-respawn ako sa Izlude at nagpa-buffs at pagkatapos ay nagpa-heal.
Amfff...

Nadismaya ako sa nangyari dun ah.
Kala ko pa naman ang lakas lakas ko na.
Badtrip talaga.

"Jokweng!" sigaw nung kapapasok lang ng pintuan ng shop doon sa bantay na nakaupo sa tabi ko "Dito nako sa number 8..."

Aba! Si kuya Arbee.
Napatingin siya sakin.

"O? J! Ang aga aga nandito ka na?" sabi nya "Baka hanapin ka ng mommy mo."

"Di yan." sagot ko sa kanya. Kahit tumakas lang ako sa bahay. At kahit hindi pa ako nag-aalmusal...

"Tara J, may papakita ako sa'yo..."

Ako naman si uber-interested, winarp ko pabalik yung high wiz ko sa Pront at nagpunta sa hanggang ngayong walang katao-taong UP kung saan muli akong nag-save.

Nagbukas si Kuya Arbee ng MyRO.

Aba! Naglalaru din pala siya nun.
Wow. Pero no surprise really... Lahat nga pala halos ng nasa shop namin, MyRO lang ang nilalaro. Or Porn. Porn's still good. Porn never gets old.

Binuksan nya yung assassin cross nyang sobrang hirap ng pangalan.
dEaThZcYthE
Whew.

Nag-open siya ng inventory at nag-mouse over sa isang item sa Etc.

"Proof of Donation" Aun yung nakalagay na name ng item.

"Anu yan kuya Bee?" tanung ko sa kanya.

"POD. Anu pa ba?"

"Para san naman yan?" tanung ko ulet.

"Pambili gamit, jusme! Ayan o, tignan mo gamit ko." sabay Alt+Q ng tito ko.

Aba putragis!
Naka dalawang Brissingamen siya!
Wow! Alam ko mahal yung ganun ah...

"San mo nabili yan kuya Arbee?" tanung ko sa kanya na parang amazed na amazed ako sa lahat ng nakikita ko.

"Sa tao."

"Hindeeeeeeee! Yung briss mo."

"Sa tao nga. Nag-pub ako, Buying 2 no name briss 9p+200m."

Ahhh! Ayun pala yung "p". Kala ko pa naman kung ano.
So ngayon, alam ko na. "P" = PODs. Nice.

Nag-character select si kuya Arbee at nilabas nya naman yung LK nya.
Agad niyang binuksan yung Alt+Q.

"Yun lang yun lang yun lang..." tawa pa ako ng tawa ng makita ko yung gamit n'ya... "Naka-Garm na oh... Tapos Zephyrus gamit. Sakit nyan!"

"Oo! Lakas nga sa PvP eh, pag na-frost kalaban 10k BB ko eh..." sabi nya saken.

Bumalik na lang ako sa upuan ko at nag-character select.
Gagawa na kami ng champion ni Jokweng.
At tuturuan na din niya ako ng build na pwedeng pang FO at Asura.

Hindi na ako muling bumalik doon sa kinauupuan ni kuya Arbee...
Hindi ko lang masabi sa kanya na galit na galit ako sa kanya.

Una, dahil may gamit na siya - malakas na siya. Ako kasi ang pinaka-endowed noon sa shop namin sa MyRO. Si Jokweng kasi, kahit mas matagal nang naglalaro, medyo naunahan ko na sa gamit.

Pangalawa, dahil hindi siya nagsabi na meron palang tinatawag na POD dito sa MyRO na sure and fast way para biglang lumakas... at hindi niya ito sinabi saken.

At pangatlo.

Dahil nagugutom nako...

Naiingit ako.
Gusto ko ding lumakas.
Top
donthangmeup
Posted: Nov 15 2009, 06:37 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



Chapter 9: Dahil ayokong napag-iiwanan


Natapos na kaming gumawa ni Jokweng ng Monk. Level 99 na yun.
Matapos magpa-rebirth sa MoA, sinabi ko kay Jokweng na siya muna ang bahala mag-palevel ng character ko. Uuwi muna ako para kumain.

Matapos ang ilang minuto, naka-balik na muli ako as Kiddo's.
Nakita ko si Jokweng na nasa likod na ng counter.
Mukhang tapos na nyang mapa-99 yung champion ko.

Bumalik ako sa PC 5 at nakita kong tama nga ako. 99 na nga. Pero job 67 pa lang.

"O Jok? Bat di mo pa tinuloy na job 70?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ehhh... Pwede na yan. Saka CHA-RAC-TER mo yan eh. Ikaw na bahala jan. Bute nga ni-lich ko kagad sa ice dungeon yan kaya ambilis eh."

"Tae naman o."

Sa MoA naka-save noon yung champion ko na pinangalanan kong KingVlade.
Wow. So original pare...

Nag-warp ako papuntang Prontera at naglakbay hanggang Upper.
Nag-save ako sa Kafra.

Aba! Laking gulat ko nang may nag-respawn sa save point ko.
Si ReTrY. Yung naka-pink na babaeng champion.

Nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya. Dinaan niya lang ako at nag-body-reloc papuntang buffer, tapos nag-reloc ulit papuntang bilihan ng pots, tapos muling nag-body-reloc katabi ng PvP warper. At nawala.

Ahhh. Mukhang nag-pPvP si ate.

Nag-abang ako samay respawn site ng save point namin para madali kong makuha yung attention nung babaeng champion.

Muli siyang nag-respawn at sa pagkakataong iyon, tinawag ko na siya...

KingVlade: ate
ReTrY: ?
KingVlade: patingin po gamet


Nag-body-reloc lang papalayu yung babaeng champion.
Ay... Suplada. Inisip-isip ko.

ReTrY has sent you a duel invitation. Type (@accept/@reject)

Duel nanaman?!?
Parang nung huling kita ko dito sa champ na 'to duel din yung ginawa namin ah.
Gusto ko lang makita gamit niya, ang gusto nya naman, upakan kagad yung bagong gawa kong champ. Tama ba 'yon?!?

Anyway, agad kong ni-reject yung offer niya.

ReTrY: try lang
KingVlade: pa view lang gamit ate
ReTrY: NPC lang ako
KingVlade: tingin lang po


Pagkakita ko...

Putragis!

+10 AoA...
Elven Ears na slotted?!? Tapos Vesper Card?!?
Tapos sa Romantic Flower nya may Vesper Card den?!?

KingVlade: aw
KingVlade: NPC daw
ReTrY: ?
KingVlade: naka Vesper ka o
KingVlade: 1b isa nyan ah
ReTrY: binigay lang sakin to
ReTrY: 2 weeks pa lang ako naglalaro nito
ReTrY: bigay lang sakin gamit ko
KingVlade: aw
KingVlade: maski na
KingVlade: ganda padin gamit mo


ReTrY has sent you a duel invitation. Type (@accept/@reject)

KingVlade: aw

The duel has been rejected.

Ni-log out ko yung champion ko at nilabas ko yung high wiz.
Anu ba yan! Nakakaasar! Parang lahat ng tao sa paligid ko ang gaganda ng item tapos ako puro NPC! Badtrip!

Biglang naramdaman ko na may nanonood sa likod ko.

"Ano J? Papabili ka?" tanong ni kuya Arbee.

Aba. Nagyaya si Bee na bumili daw ako ng PODs.

"San ba bibili?" tanong ko sa kanya.

"Tignan mo sa patcher, tapos click mo sure POD sellers. Ako dun ako samay Trinoma bumili eh. 25 per POD. Kaya 16 lang nabili ko eh. Ano? Papabili ka ba? Baka umalis ulit ako mamaya. Daanan ko girlfriend ko sa bahay nila eh. Malapit lang yun dun. Text ko lang yung seller."

Di ko na binigyan ng dalawang isip pa.
Nag-out ako. Tumayu sa kinauupuan ko at nagbayad kay Jokweng.
Lumabas ako ng shop at umuwi ng bahay. Umakyat sa kwarto ko at winasak yung alkansya kong bear na naka-display sa taas ng cabinet ko.

5... 6... 8... 850... 870...

May mga benchi-benchingko pa.
Tangna, sino kaya naglagay neto dito...

May 870 akong naipon.
Ilan kaya 'to?
Ang sabi ni kuya Arbee... 25 per POD daw. Kung 870 to, edi mga 34 PODs... Waw! Ang dami na nun!

Bumalik ako sa shop kung saan nakatambay sa labas si Bee at naninigarilyo.

"Kuya Bee!" tawag ko sa kanya. "Pabili ako!"

Sabay ang abot ko sa kanya nung 870 na pinagipunan ko bago pa matapos ang pasukan na DAPAT ilalaan ko sa MABUTING bagay.

"870 to ah. Bale... 34 PODs... Aken na yung bente. Pamasahe. Wahahaha!"

"O sige sige... Basta bilan moko."

"Oo mamaya. Ako bahala sayo..."
Top
donthangmeup
Posted: Nov 20 2009, 03:51 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



The not so long wait is over mga bading

RO-gg.gif

-------------------------------------------------------------------

Chapter 10: My quest for the POD retailer


Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko sa Kiddo's.

Una, dahil sobrang atat na atat na akong makuha yung pinabili kong PODs sa tito ko.

At pangalawa, dahil nagsisimula nang magdatingan yung mga amoy-grasang bata na naglalaro ng Special Force. At ayoko silang paupuin.

Mga alas-onse na noon. Alam kong hapon pa darating si Bee mula sa pinagbilhan niya sa Trinoma kasi nga daw dadaanan pa daw niya girlfriend niya. Hindi nako makapaghintay. Iniisip ko na lang kung ano ang maaari kong mabili sa 30 plus PODs ko...

Hmmm...

"Pucha FAW!" sabi ko habang tinitignan yung listahan ng mga items sa POD NPC sa MoA.

"Uo nga J... Tapos bibigyan mokong 1 POD para may FAW din ako..." sabat nung bantay na si Jokweng "para share your blessing naman diba. Sige na... Ni-lich ko naman character mu eh... Okaya bayaran na lang kita pag nakuha ko na sweldo ko..."

Ungas.

Hindi ka naman pinapasahod ni Kuya Buddy eh.

"Oo sige..." sagot ko sa kanya. Para lang may masabi ako.

Noon kasi, yung FAW o Flying Angel Wing na ang pinaka-"astig" na item sa mga naglalaru ng MyRO sa shop namen.

Kapag may FAW ka, malakas ka.
Kapag may FAW ka, mayaman ka.
Kapag may FAW ka, sikat ka.

E gusto kong lumakas. Gusto kong yumaman. Gusto kong sumikat. Tinatanong pa ba yan?

Si Nini nga na pinsan kong naglalaru din ng MyRO, "bibigyan" daw ng FAW ng classmate nya. Aba! Syempre ayaw kong magpahuli ano? Kung yung sa kanya naibigay lang, yung aken, ako mismo bibile. See? Mas may value na yung akin, then. Dahil yung akin, pinaghirapan ko. Aba. Mahirap atang magantay ng PODs na pinabili mo sa tito mo ah. You can't imagine yung anxiety ko nung mga panahong iyon.

Sinimulan ko nang bilangin ang mga oras. Naupu ulit ako sa Kiddo's ng 10... Dumaan ang 11... 12... 1 ng hapon... Amf! 3 hours nako nakaupo dito at hindi pa din bumabalik si Bee. Sixty lang ang pera ko ngayon... Manghihingi na lang siguro ako ulet. 30 pesos, three hours dun sa shop. Kung itutuloy ko ito, hanggang mamayang 4 ako makakapag-intay. Pero. Hindi ako makakapag-siege. Amf. Badtrip naman o.

"J..." sabay kalabit ni Jokweng "Time ka na."

Tumayu ako at nagbayad ng 30 para dun sa 3 hours na nilaru ko.

"Jok, pag dumating si Bee, sabihin mo nasa bahay lang ako ah."

"Oo, sige" sabi niya saken nang naka-ngisi. Kumag.

Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong ako ni inay na nagtatanong kukng nasan ako. Ngayong pagkakataong ito, sinabi ko ang totoo. Na nanggaling ako sa computer shop. Na tatlong oras akong naglaro. Pero hindi ko binanggit na nagbigay ako ng 870 sa tito ko para ibili niya iyon ng gamit sa laro. Sweet.

Kumain ako ng tanghalian at pinalipas ang boring kong hapon sa kwarto ko. PSP, sagot sa text ng makulit na babae, PSP, iPod, sagot nanaman sa text ng talagang makulit na babae, PSP, tapos nang magtawag si inay para sa merienda, bumaba, at kumain. Tapos PSP ulet.

Mga alas-singko na ng hapon noon.

Hindi pa din dumadaan si Bee sa bahay.

Shit. Anu ba yan. Bakit ang tagal naman. Nakakaasar naman o.

Dismayado, nagpunta pa din ako sa Kiddo's para maglaro, dahil itong mga oras na ito, naghahanda na ako para sa WoE.

Pagdating ko sa shop, sumilip ako para tignan na baka doon dumeretso si Bee.

?

Wala siya. Si Jokweng lang at ilang mga bata na naglalaro ng Special Force ang nandoon. Plus, si Kuya Buddy na may-ari ng shop na nasa telepono.

"Jok, dito na lang sa 1." sabi ko sa bantay, dahil may nakaupo pa din sa number 5 kung saan ako lagi naglalaro.

"J..." tawag sakin ni Jok "nasakin na PODs mo. Iniwan saken ni Bee kanina. May dadaanan pa daw siya eh."

PUTANG INA MO JOKWENG!
HINAYUPAK KA!
ANG AKALA KO PA NAMAN HINDI NA AKO NABILAN NI ARBEE.
AYUN PALA NASAYO NA YUNG PODS KO.
LECHE KA! BWISET! HAYOP!

Ayun sana sasabihin ko.

"Ahh... Ok. Deal mo na lang. Sa Upper Pront ako." sabi ko sa kanya nang naka-ngiti pa kunware, pero sa totoo lang, gusto ko nang pilipitin leeg ni kupal.

"Ikaw na. Nasa Izlude ako. Tagal magpunta jan sa inyo eh."

Nag-warp ako papuntang Izlude gamit yung Assassin Cross ko, hinanap yung Rijie na character, at dineal ko yung champion niya.

"32 lang?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sabi ni Arbee kukuha daw siya sau dahil di ka naman daw nagbigay ng pamasahe eh... Saka diba nanghihingi ako sayo ng 1 POD?"

Tangina naman o.
Bahala na nga.

Nag-warp ako pabalik ng Pront para bumili ng aking mga kagamitan. Kung naaalala ko ng tama kasi, yung Briss, +6 to all stats, so lagay na natin sa listahan natin un. Yung FAW syempre, para visible ang yaman natin.

Ayan.

Nagpub ako. "B>FAW 1p, 2 Briss 4p+500m each"

Nag-iintay ako. 1 minute. 2 minutes. 3 minutes. Tumayu ako ng saglit para mag CR. 5 minutes. Walang pumapasok sa pub ko.

Puta.

Hindi na ako makapag-intay.

Lumabas ako sa pub at dumeretso sa MoA.

Doon, hinanap ko yung POD Items NPC. Nagpunta sa menu ng Headgears, hinanap yung Flying Angel Wing, at binili gamit ang 1 POD ko. Matapos noon, nagpunta naman ako sa Accessories, at doon, nag-drag and drop ng isang Briss. Binili ito, at umulit ng pangalawang beses.

Hmmph...

11 PODs na nagastos ko.
May FAW na ako.
May dalawang Briss na ako.

Anu pa ba kailangan ko?

Wala akong maisip.

Bumalik ako ng Pront at nag-tingin-tingin sa mga pub. Napansin ko yung bumili ng POD. "B>POD nid many 780m each"

Wow! Ang laki nun! 780m? Binilang ko kung ilang WoE yun... Hmm... Sabihin nating 750... Edi mga kinseng WoE!?! Wow shet, sulet. Isip ko sa sarili ko.

Naglabas ako ng apat na piraso nung PODs ko. Dineal ko yung bumibile at tama nga... Binigyan nya ako ng 3120 pirasong mithril coins.

Wow... Ganito pala kabilis yumaman. Php. I think I need more...

Nung mga sumunod na araw, nagpakabihasa ako sa PvP.

Binuhay ko ulit yung Double Dagger Assassin Cross ko. This time, I'm close to untouchable. Ginawa kong build kasi, umabot flee ko ng 354 with bonuses pa. Meaning, kung physical attack ang labanan, malabong tatama ka saken... San ka nakakita, Sniper, nag-mimiss saken. Panis.

Pero may mga player pa din talaga na sadyang malakas. Lalu na yung mga nakasuot ng malalaking sungay. Una, nakakatakot itsura nila. At pangalawa, parang ang lakas nila bumawas.

Teka nga. Inisip ko. Bakit hindi ako bumili ng ganon?

Hinanap ko siya sa POD Items NPC.
Pero wala akong nakita na malapit yung itsura sa mga sungay na iyon.

Nagtanong tanong ako sa mga random na tao sa Prontera. At doon ko nalaman na yung item pala na iyon ay ang Evolved Majestic Goat. Unang akala ko, Majestic Goat lang na mas malaki dagdag sa STR. Hindi pala. Mas malupit pala siya.

Nabanggit nung napagtanungan ko na yung plus ten na EMG, nasa 27 PODs daw.

Binilang ko yung naiwan saking PODs. Hmm...

17 na lang?!? Kulang ng sampu. Kaasar naman oh.

Sakto. Parang padala ng diyos ng mga muslim, pumasok si Arbee sa shop.

"Bee!" sigaw ko sa kanya

"Oh?"

"Kelan ka bibili ulet PODs?" tanung ko na parang hindi pa kuntento sa hawak ko ngayon.

"Ay... Hindi ko lang alam. Wala pang sweldo eh... Saka tama na yung gamit ko..."

Aw. Kung sa kanya, okay na gamit nya, sa akin hinde.

"Ba't di mo tignan yung listahan ng POD seller sa forums?"

Forums? May ganun?
Top
donthangmeup
Posted: Nov 27 2009, 10:38 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



Chapter 11: Wowowee


"Hindi...

Hindi talaga kaya eh.
Ang layo.
Kung pupunta naman ako, makasisiguro ba akong ligtas doon?
Pero...
Papayag kaya siyang magkita na lang kami?
Baka sa lugar na maraming tao.
Yung tipong kahit sino saming dalawa, hindi magaalangang makipag-kita...

Sige. Ganun na lang."

Ayan yung mga pumapasok sa isip kong gagawin ko nang makita ko yung listahan nung mga nagbebenta ng PODs sa forums.

Leche.

Fairview? Trinoma? USTE? Taguig? Market Market? BAGUIO?!?

Wala bang medyo malapit-lapit?
Yung tipong sa kabilang kanto lang namin?

Hay...

Sinimulan ko na ang pagtetext sa mga nagbebenta ng PODs...

To: PODs-SmNorth
--------------------------------
Kuya nagbebenta ka po ng pod?


Alas 9 noon ng umaga.
Syempre, haler? Atat ako.
Pinagipunan ko kaya 'to.
Gusto kong bitawan na yung pera.
Mamaya, magastos ko pa lahat.
Sayang PODs.

Hindi sumagot yung seller.
Chineck ko yung susunod na number.

Ito naman UST area.
Baka kapag-tapos kong mag-enroll, pwede kong isabay na dumaan sa UST.
Tama! Ganun na nga.

To: PODs-UST
---------------------------------
Kuya nagsesell po kau pods?

From: PODs-UST
---------------------------------
25/p tol

To: PODs-UST
---------------------------------
ok po mga what time po meet UST area?

From: PODs-UST
---------------------------------
aw., wala pang class tol
qng gus2 m, kita na lang tau SM north
dun tau dil


Shit.
Nasira mga plano ko ah.
Let's move on to the next guy.
Badtrip naman oh...

0916-3606393.

To: PODs-Taguig
---------------------------------
kua may pods po kayo?


Walang reply.
Nung hinahanap ko na yung sunod na number na i-tetext ko, biglang nag vibrate phone ko.

From: PODs-Taguig
---------------------------------
meron 25/p sell ko


Ayun!
Nag-reply kagad ako sa seller ko.

To: PODs-Taguig
---------------------------------
ok lng po., san po tau meet?

From: PODs-Taguig
---------------------------------
amf. ngaun na?

To: PODs-Taguig
---------------------------------
opo., nid na kasi eh

From: PODs-Taguig
---------------------------------
may lakad kasi ako eh, taga san ka ba?

To: PODs-Taguig
---------------------------------
taga mandaluyong po

From: PODs-Taguig
---------------------------------
cge cge, baka daanan na lang kita
alam mo yung pioneer?
meet tau dun
paalis nako

To: PODs-Taguig
---------------------------------
ok po


Tamang tama 'to.
Ang gusto niya, meet kami sa Robinson's Pioneer.
Sakto, may MRT station na malapit dun.
So... MRT ako hanggang Taft, and then sasakay ako ng LRT hanggang U.N. station.
Tama. Good plan.

Lumabas ako ng Kiddo's at sumakay ako ng jeep na biyaheng SOGO para sa harap na ako ng Robinson's bababa.

Hindi nagtagal, nakarating ako sa Pioneer street entrance ng Robinson's.

Nag text ako sa seller ko

To: PODs-Taguig
---------------------------------
and2 na po ako

From: PODs-Taguig
---------------------------------
malapit nako, wait moko sa pioneer


Atat, naupu-upu muna ako sa mga benches sa ilalim ng waiting shed sa labas ng Rob. Ang tagal naman niya. Nag text ulit ako.

To: PODs-Taguig
---------------------------------
san ka na po?

From: PODs-Taguig
---------------------------------
d2 naq pioneer, naka park ako samay kalsada


Wow, pucha! Naka-park si seller! Mukhang big time si seller ah.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nag-masid-masid sa mga taong nakapalibot sa akin. Naka-park samay kalsada. Easy enough.

Hindi pala.

Ilang beses ako nag-paikot ikot sa paligid ng Robinsons.
Front entrance, EDSA side entrance, back entrance, pati yung entrance para sa deliveries tinignan ko.

Amf! Walang naka-park! Bat ganun?!?

Tinext ko ulit siya.

To: PODs-Taguig
---------------------------------
Kua san ka po?

From: PODs-Taguig
---------------------------------
AMF! San ka ba? naka park ako sa kalsada, motor na color green. Ano ba suot mo? amf, late na ako


Aun. Late na daw siya.
Tumakbo ako, papuntang pioneer side ng Rob ulit para tignan kung may motor na green. Aba, puta. Meron nga. Pero wala sa kalsada. Nasa-sidewalk. At may matangkad, mataba, nakasuot ng RPC na jacket at naka bonnet na mama na mukhang mumurahin nako dahil ang tanga tanga ko at hindi ko siya nakita nung una.

"Amf." sabi niya sakin "San ka ba nagpunta?"

"Sa EDSA. Sabi mo kasi eh EDSA eh, kaya ayun, dun ko hinanap yung naka-park."

"Yun lang. Tara. San ba tayo? Sa loob ba?"

"Sige po."

"Aw," sabi nya "kaso ang mahal jan e. Bulok pa. Pero madameng chicks. Puro nag-ooffice."

Nako. Yare.
Mukhang napasama ako dito ah.

"Tara. Hanap tayo ng shop."

At sinuot niya yung helmet niya at inistart niya yung motor niya.
Mukhang pinapasakay ako nito.

Pero sige. Umaga naman eh.
What can go wrong?

Habang nakasakay kami sa motor, kinakausap niya ako, nagtatanong kung saan ba dito may shop na may Ragnarok.
E pano ko namang malalaman, hindi ako taga-dito.
Oo na lang ako ng oo sa mga sinasabi niya.
Stranger eh. Nakasakay ako sa motor niya. Pag naasar sakin to, baka ihulog niya ako. Oh-Ehm-Gee...

Nasa Pasig area na kami.
Tumigil siya sa harap ng isang mukhang maliit na mall.
Inilapit niya yung motor sa may guard at nagtanong siya kung mayroong bang computer shop sa lugar na iyon.

Wala daw.

Puta.
Kinakabahan ako.
Lumabas siya dun sa compound at lalung dumeretso papalayo ng pioneer.
Kumanan siya sa isang kalye.

Shit. Puro puno yung kalsada.
Tangina. Anu kaya gagawin sakin nito.
Alam na may pera akong dala.
Baka...

OH MY FUCKING GOD.
Top
donthangmeup
Posted: Dec 1 2009, 01:03 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



Chapter 12: Jay - son


Lingid sa kaalaman ng lahat ng sumusubaybay sa aking storya, hindi naman talaga masama etong pinagbibilhan ko ng PODs.

Nag-park siya sa labas ng isang computer shop na halos kabubukas pa lang.

Pumasok kami sa shop at nagtanong siya doon sa bantay na mukhang bagong gising pa lang at hindi pa nahihimasmasan.

"Brad, may Ragnarok kayo?" tanong ni POD seller.

"Oo. Ilan kayo? Dalawa?" sabi naman ni bantay sa shop.

"Hinde, kahit isa lang, magdedeal lang kame nito."

Nagbukas ng isang computer si kuya bantay at habang naghihintay kaming mag load yung PC, may sinabi sakin si POD seller.

"Tol, hinahanap ka na oh..." sabay turo ni seller sa labas sa dalawang babae na naglalakad sa side walk.

Napamura na lang ako sa isip ko.
Puta. Mukhang manyak nga 'to.

Natapos nang mag-boot yung PC.

May binunot si seller sa bulsa niya.
Isang USB.

Pinasak niya ito sa port sa PC at may in-open na file.

Nagbukas ang isang pamilyar na window.

Aba! Patcher ng MyRO yun ah.
Pwede pala yun?

"Pwede ba yan kuya?" tanong ko sa kanya.

"Oo, pero kelangan ata four gig USB mo. Kase buong client ng Ragna meron ako dito eh." sagot niya saken, sabay talikod at binuksan na yung client ng MyRO.

Nag-ttype siya ng username at password nun.

Tumalikod na lang ako.
Baka sabihin pa niya, makikita ko username at password niya,
mapagkamalan pa'kong hacker diba?

Tumingin na lang ako ulit sa monitor noong nakita ko na nasa character selection screen na siya.

FATALITY

Ayun yata yung binuksan niya.
Basta champion yung character niya, sabay nakasuot ng Yellow Bandana, Sunglasses at Flu Mask.

Puta.
Hindi mukhang POD seller eh.

Bahala na nga.

"Buksan mo character mo." sabi nya saken, sabay bukas niya ng isa pang window ng MyRO.

Habang tintype ko yung username at password ko, nag-aalangan ako na baka siya naman yung tumingin ng akin. Pero hinde. Tumalikod din siya at kinausap niya na lang yung bantay ng shop.

Binuksan ko si Vlade na ngayon ay wala nang kagamit-gamit at nakatayo na lang sa pagitan ng middle at upper Prontera. Ipapaliwanag ko mamaya kung bakit.

"Eto na kuya oh." sabi ko sa seller ko.

Nag-warp siya patungong Pront at ayun na nga, nakita ko na yung character ko sa screen ng character niya.

Inilabas ko na yung Isang libong pinag-ipunan ko nang sobra sobra.

"Magkano ba bibilin mo?" tanong niya sakin.

"1k lang po kuya..." sabay type niya ng @storage at naglabas ng 40 pirasong PODs.

Dineal niya yung character ko.
Nag-alt-tab siya. In-ok niya.
Inilagay niya yung 40 pirasong PODs.
In-ok niya. Nag-alt-tab ulit siya. In-ok din niya.

Ipinakita niya sakin.

"O ayan." sabi niya.

At tinapos na niya yung trade.

"Kuya..."

Sabay tingin niya sakin na nagtataka.

"Pwede bang dagdagan mo pa?"

Mukhang kakainin ako nito sa tingin pa lang niya.
Nilinaw ko yung sinabi ko.

"Inde, kuya. Dagdag pakong 200. Dagdagan mo pa ng PODs." sabay ngiti ko sa kanya.

"Amf. Yun lang pala."

Naglabas pa siya ng 8 PODs at dineal niya ulit sakin.

"Ayan."

Inabot ko sa kanya lahat ng pera ko.
1.2k.

"Isa-dalawa-tatlo-CHA!" pakantang sabi niya habang binibilang niya yung pera ko.

Mukhang nang-aasar 'to ah.
Pero okay lang. Solve naman na'ko eh.
Nandito na PODs ko.
Ayos na.

"Ano, hindi ka pa ba mag-oout?" tanong niya saken.

"Wait lang kuya." sagot ko, habang sinusubukan kong i-PM si Jokweng para maipasa kagad yung kakukuha ko lang na PODs sa kanya.

Ang utak ko diba?
Kasi malay mo, ma-hack ako kapag naiwan ko nang saglit yun.
Mabilis lang mangyare ang hindi inaasahan.
Buti na't ligtas.

Kinakalikot ko yung character ko at nag-PM sa mga ka-shop ko kung may OL sa kanila para hawakan na yung PODs ko nang may pumasok sa loob ng computer shop.

Mukhang employee ng Globe.
May dala-dala kasing paper bag ng Globe eh.
Nagtanong bigla kung ano daw yung internet doon sa shop na iyon.
May sinabi yung bantay. Hindi ko na lang tinandaan kasi wala naman akong pakialam.

May sinabi yung seller.
Mukhang inaaway niya yung staff ng Globe.
Tungkol sa international calls ata yung sinasabi niya.
Pero wala pa din akong pakialam.

Natapos nakong magkalikot ng character ko.

"Kuya, ok na."

At naipasa ko na din yung 48 PODs.

Nagbayad yung seller ko dun sa bantay sa shop at lumabas na kami.

"San ka na?" tanong niya saken.

"Papasok." sagot ko naman.

"San ka pumapasok?"

"Samay Faura."

"San dun? Sa Jollibee?"

Naasar ako bigla.
Tangna. Ang akala niya saken, crew ng Jollibee.
The hell...

"Inde. Basta." at nginitian ko na lang siya.

Sumakay kami sa motor niya at sinuot niya helmet niya.
Inistart niya motor niya at nagsimula na kaming mag-backtrack pabalik ng Robinson's Pioneer.

Habang nakasakay, tinanong ko siya.

"Kuya, san ka nagtatrabaho?"

"Sa jakol-center" sagot niya na parang seryosong seryoso siya.

Walang pagkakamali.
Manyak nga 'to.

Nasa harap na kami ng Pioneer noon nang siya naman yung biglang nagtanong saken.

"Anu pangalan mo tol?"

"Raf." sagot ko, na parang gulat ako na tinanong niya yun saken.

"Ikaw kuya?"

"Jay-son" sagot niya saken.

Ibinaba niya ako kung saan ko siya unang nakita.
Sa sidewalk ng kanto ng Pioneer at EDSA.

"Sige, late na ako. Text ka na lang ulit pag may kelangan ka. Amf. Sobrang late na'ko oh."

At umalis na yung maputing mamang manyakis na naka-bonnet at jacket ng RPC.

12:30 na noon.
At ako'y late na din.
Umakyat ako ng MRT para bumili ng ticket, makapasok na, at simulan na ang araw ko sa school.
Top
donthangmeup
Posted: Dec 4 2009, 10:40 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



Chapter 13 - I Wouldn't Quit Even If Everyone Quit


Binuksan ko yung account ko na naglalaman ng character na si Vlade at ibinalik ko siya sa save point ko sa Upper Pront.

Napansin ko na may iilang tao sa save point namin, isa na doon, yung kaibigan kong si ReTrY, na gamit-gamit niya yung MmSs Rr Ee Tt Rr Yy niya na LK.

Nilapitan ko siya para kausapin.

Vlade: ate

RO-qmark.gif

Ganun saken nung babaeng LK.

-- Player MmSs Rr Ee Tt Rr Yy invites you to PVP duel (Use @accept/@reject)

Adik talaga 'tong babaeng to sa PvP.
Kinausap ko lang, invite kagad.
War freak. Amf.

Ni-log out ko yung si Vlade.
I didn't bother typing @reject na kasi I don't feel like it.
At malamang gagawin niya lang naman akong punching bag.
Kaya wag na lang.

Kakakuha ko lang nun PODs ko noon mula kay Jason.
Inisip-isip ko, baka tamang oras na ito para makilala naman ako ng mga tao sa laro.

Tama.

I made it very obvious for everyone to see.
Gumawa ako ng novice, na ngayon ay balak kong gawing Paladin kapag sinipag-sipag ako.

"MyNameIsRaf"

Ayan. It doesn't get any simpler than that.

Matapos ma-create ng character ko, agad-agaran ko itong ipinunta sa Upper Prontera at nag-save ako doon.

Nakita ko si ReTrY na gamit gamit yung LK niya at nakikipag-duel siya sa isa ring LK na ang pangalan ay SuTiL09.

Ang bilis ng pangyayare.
Hindi ko alam kung pwede sila maggamitan ng pots, pero sunud-sunod yung BB nung MmSs Rr Ee Tt Rr Yy, at di nagtagal, dumapa yung kalaban niyang LK.

Ni-resu nung LK ni ReTrY si SuTiL09.

Lumapit ako doon sa dalawa at sinubukan ko silang kausapin.

MyNameIsRaf: ate
MmSs Rr Ee Tt Rr Yy: po?
MyNameIsRaf: vlade po 2
MyNameIsRaf: p2long po palvl
MmSs Rr Ee Tt Rr Yy: w8 duel lng kami isa p ng BF q


BF?
Like, boyfriend?

Something was wrong noong mga panahong iyon.
I decided na umalis na lang muna at mag-palevel na ng mag-isa.

Crusader na ako nang muli akong bumalik ng Upper Pront.
Wala na yung LK ni ReTrY.
Si SuTiL09 na lang andun.

MyNameIsRaf: kuya
SuTiL09: po?
MyNameIsRaf: anu po name nung retry?
SuTiL09: bk8 po?


...nang may biglang sumingit.

Isa siyang Biochemist na may guild na AsTrOnIx. Hindi ko na maalala. Basta maarte yung pangalan. At ang pangalan nung bio ay newbie cherry.

newbie cherry: aw
newbie cherry: bk8 po?
MyNameIsRaf: wala lang tanong q lng name mu
newbie cherry: cherry po


Obvious ata.

newbie cherry: kaw po?

Ay, Diyos ko ate. "MyNameIsRaf". Anu hindi mo nakuha don. My Gad!

MyNameIsRaf: raf po

Sagot ko pa den, kahit asar na asar nako nung mga panahong iyon.

newbie cherry: ahh ok

Sabay upo sa tabi ko nung biochemist niya na naka Tiara, Evil Wing Ears, at Pipe.

newbie cherry: nagaaral ka pa?
MyNameIsRaf: opo
newbie cherry: aw
newbie cherry: 2nd year ako
MyNameIsRaf: college?
newbie cherry: opo
MyNameIsRaf: aw
MyNameIsRaf: ako den
MyNameIsRaf: 2nd year den ako.
MyNameIsRaf: anu course m?
newbie cherry: I.T
MyNameIsRaf: ahh... ako polsci
newbie cherry: sa Letran
MyNameIsRaf: aw lapit lng
MyNameIsRaf: UPMaq
newbie cherry: upmaq? san un?
MyNameIsRaf: UPM ako.
MyNameIsRaf: UP Manila
newbie cherry: waw


Sabay tayo nung biochem at pa-buffs niya.

newbie cherry: w8 lng

Umalis siya.
Hindi ko na tinanong kung saan siya pupunta.
Ako na lang at yung LK na si SuTiL09 ang natira sa save point.
Mission: Socialization. Kelangan kong makausap lahat ng tao dito.

MyNameIsRaf: kuya
SuTiL09: ?
MyNameIsRaf: anu po name nyo?
SuTiL09: AJ po
MyNameIsRaf: ahh ok po...
MyNameIsRaf: nagaaral den pu kau?
SuTiL09: uu
SuTiL09: 3rd yir naq.
MyNameIsRaf: ahhh san po?
SuTiL09: LC
MyNameIsRaf: LC? Lyceum?
MyNameIsRaf: La Consolacion?
SuTiL09: aw
SuTiL09: inde Laguna Colleges
MyNameIsRaf: aw taga laguna ka po?
SuTiL09: kame nila cherry
MyNameIsRaf: aw, e bat nasa Letran cya?
SuTiL09: ewan
SuTiL09: hehe... ayoko kasi lumayo pa kaya ayun... malapit lang


Nasa gitna kami ng pag-uusap namin ni kuya AJ nang bigla siyang nawala.
Nag-antay ako ng mga ilang segundo, ngunit napagtanto ko na baka hindi na siya babalik at nag-time na siya, at hindi niya kelangan magpaalam saken noong panahong iyon dahil ako'y hindi naman niya kilala.

Well, at least that was a good start.

Ni-log out ko yung crusader ko.

Bumalik ako sa username entry page.

Pinalitan ko yung username.

Pumasok ang isang ibang account.

Pinili ko yung assassin cross na nakasuot ng EMG, REE at Romantic Leaf.

Lumabas yung chracter ko sa Upper Pront kung saan siya naka-save.

"iWontQuitEvenIfYouQuit"

Ayan yung pangalan niya.
Hindi ko alam kung bakit ganyan.
Maybe dahil BlessTheFall yung pinakikinggan ko noon.
At sobrang hilig ko talaga sa kanta nilang iyon.
Basta.

New stuff.
New start.
Same old me.

5:30 na noon.
Nag pub ako sa save point, "sali union, vlade 2"

-----------

biggrin.gif

agit ba?

RO-gg.gif
Top
donthangmeup
Posted: Dec 9 2009, 12:30 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



Chapter 14 - Ian, Jamilla, Cindy, a guy who fancies himself God's Lamb and a guy named D e a t h R h o

Dumaan ang mga araw tulad ng inaasahan ko.
Sa bago kong kuhang mga gamit, ngayon, unti-unti ko nang nararamdaman na sa pagiging breaker ko, makikilala ako ng mga manlalaro sa server.

Si e O n na mainstay breaker ng Union noon ang naging kasabayan ko palagi.
Ang tawag ko sa kanya Ian, kasi diba? Ang lapit. Ian, eOn... Diba tama ako?

pero snabero si kupal. Kapag kakausapin mo kapag WoE, dadaanan ka lang nang parang wala kang kwenta.
Pero doon ko lang din naisip na baka "busy" lang nga siya sa ginagawa niya.

Naalala ko tuloy noong mga araw ko sa pRO yung ginagawa kong pag check ng emblem sa flag. Paulit-ulit, mahirap. Kailangan ng tiyaga. Ayun ang ginagawa ko kapag gusto kong tumakbo. Kailangang mag-intay.

Medyo bihasa naman ako.
Hindi ako tulad ng ibang nakikita ko na basta pasok lang ng pasok sa loob ng guild castle. Pinagtatawanan ko na lang sila kasi alam kong maling-mali yung ginagawa nila.

Sa gamit naman, ang naging kasangga ko ay yung D e a t h R h o.
Sa kanya ko unang binili yung slotted ko na Ice Pick, na noong mga panahong iyon ay nagkakahalaga pa ng 11 PODs. Ang mahal kung tutuusin. Pero ayos lang. Astig naman diba?

Nagpunta pa kaming dalawa sa Rachel noon para lang mag deal.
Naalala ko tuloy:

iWontQuitEvenIfYouQuit: kuya, pwede ba tawad?
D e a t h R h o: aw
D e a t h R h o: mura na nga tol e, 10p+500 m ko na nga lang binebenta sayo
iWontQuitEvenIfYouQuit: aw ok


Nag-deal kame pero 11 PODs ang binigay ko.
Generous ako eh. O sadyang tanga lang talaga.

D e a t h R h o: hehe thx

Sabay alis ni kupal.
Maya maya lang, pagdaan ko sa Pront, nakita ko yung gagong si D e a t h R h o, nakapub "B>IP[1] 9p+z pasok"

Tae.
Na Buy and Sell ako ni kupal.

Anyway, ayos lang sakin yun.
Madami-dami pa yung PODs ko.
Ang silbi lang kasi nun noon mga panahong iyon, pambenta sa tao, at pambili ng seeds na gamit-gamit ko tuwing woe.

Minsan, absent si e O n.
Ilang minuto na lang, WoE na noon.
Kung tama pa yung pagkakaalala ko, eto yung pag-uusap nung GM namin sa guild na Union at nung Dionisia Pacquiao (na hindi ko na maalala yung saktong pangalan, pero ganyan yun) at J I N:

x kAi: kua mar
J I N: wala nasa labas, nagyoyoc
x kAi: aw
x kAi: si moy nasan?
J I N: wala pa


Sabay pasok nung Dionisia

Dionisia Pacquiao: anu name ni Jamilla?
x kAi: dq alam e
J I N: x Baby Jamilla x ata
Dionisia Pacquiao: pa PM na lang kuya kong


Waw.
Mukhang magaling 'to ah.
Breaker By Request kumbaga.

Maya-maya lang, dumating na yung babaeng Assassin Cross na naka-itim na damit at itim na buhok.

Isang flag lang, kasali kagad. Waw.
SHE MUST BE GOOD.

Pero may kasama siya.

"x Cindy Chue x"

Mukhang magkasama nga sila.
Parehas lang halos yung format ng pangalan eh.
Saka ang cute kaya nila tignan.
Si Jamilla, black and black, si cindy, pink and pink.
Parang napapa-ibig tuloy ako...

Sinali din yung Cindy Chue.
Hindi nagtagal, nagsimula na yung WoE.

EC ni Kai, break ni Jamilla.
EC ni Kai, break na naman ni Jamilla.
Ang bilis niya. Nag-loload pa lang ako, siya nasa loob na ng Emp Room.
Kainis.

Eto namang si Cindy Chue, nag-fflood sa guild chat.

x Cindy Chue x:waG pOh eC pLs!
x Cindy Chue x: wag pOh eC pLs!
x Cindy Chue x:waG pOh eC pLs!
x Cindy Chue x: wag pOh eC pLs!
x Cindy Chue x:waG pOh eC pLs!
x Cindy Chue x: wag pOh eC pLs!
x Cindy Chue x:waG pOh eC pLs!
x Cindy Chue x: wag pOh eC pLs!
x Cindy Chue x:waG pOh eC pLs!
x Cindy Chue x: wag pOh eC pLs!
x Cindy Chue x:waG pOh eC pLs!


At ilang saglit lang, makikita mo na yung pangalan niya in yellow.

The [Repherion] castle has been conquered by [x Cindy Chue x] of the [Union] guild.

Shit.
I feel so useless.

After mag-EC ni kuya Kai sa labas ng paborito naming agit na Gondul, nag-leave ako sa guild.

Nilabas ko yung kabilang account ko at ginamit ko yung wiz ko na si ArchMageVlade.
At least dito, makakatulong ako.

Pagka-log in ko, may nakita akong nasa save point namin.

Isang Assassin Cross na naka EMG din at Robo Eye.
Naka pub siya: "sali".

Nang madaanan siya ni kuya Kai, aba! Sinali kagad.
Wow celebrity ah.

Kapansin pansin din yung party name niya. "is late"
Ahahaha. Imba.
Apart from that, parang miyembro din ata siya ng founders ng guild kasi, walang anu-anu pa, sinali kaad siya.

Basta. Ayun.
Naka-ilang basag din yung Lamb of God. Halimaw, puta.

Nangyari na lahat ng nangyari at natapos ang woe.

Tapos na ang bigayan ng sahod.
Kapansin pansin yung sa guild chat.

J I N: nabigyan na si jamilla ng bonus?
x kAi: nabigyan ko na kuya kong


May bonus yung Baby Jamilla.
Samantalang ako, hindi na sumasahod.
Sabagay, di naman ako nakabasag. Saka "loyal" naman daw ako eh. Ok lang.

Nilapitan ko yung Lamb of God na nakaupo sa SP namin.

ArchMageVlade: kuya pde patingin gamit?
xlLamb of Godlx: w8
xlLamb of Godlx: view


...ang sabi nya sakin matapos siya mag flag.

+10 EMG, +10 Lost Power Robo Eye, Sleipnir...

ArchMageVlade: aw bat kulang?
xlLamb of Godlx: ayaw ko pakita yung thana at megs
ArchMageVlade: aw


Sabay pub niya ng "BRB~yosi"

Thana?
Anu yun?
Top
donthangmeup
Posted: Dec 20 2009, 11:34 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



Chapter 15: I Bleed For You


Kauuwi ko pa lamang mula sa isang obviously boring na araw sa school.

Boring university = Boring course
Boring course = Boring prof
Boring prof = Boring discussion
Boring discussion = BORED ME!

Pagdating ko sa bahay, tinapon ko sa isang gilid yung back kong American Boulevard, sumaglit sa ref, dumukot ng isang tinapay na pambaon nung mga kapatid ko, tapos dumeretso na ako sa Kiddo's para simulan ko na ang araw ko sa MyRO.

Pagdating ko doon, sinalubong ako ng pamilyar na aroma ng CR ng computer shop.
Hindi pa den naglilinis si Jokweng hanggang ngayon. O naglinis na siya, at talagang ganoon lang kasama yung amoy at hindi na magagawan ng paraan pa.

Naupo ako sa unang PC na malapitan ko.

Agad kong binuksan yung patcher ng MyRO at ni-log in ko yung bago kong account na ang mga character ay uber sa haba ang pangalan.

Pagka-log in ko, sumalubong sa akin ay isang upper pront na walang laman kundi ilang Bot na buffer na pagmamay-ari nung taga-Frenzy Condoms na guild.

Habang naglilibot-libot ako, naalala ko yung "forums" na nabanggit sa akin ng isang player at kung anu-ano ang mga makikita ko daw doon na makakapagturo sa akin kung paano ayusin yung breaker ko.

Nag-pub muna ako ng AFK pansamantala at nagbukas ako ng Mozilla.

"www.myro.tk"

Luma pa noon yung home page ng MyRO.
Ang gulo. Hindi talaga maayos.

Anyway, nahanap ko na yung link para sa forums mismo.
Ginawa ko munang pamilyar sarili ko sa mga section ng forums.

Yung General Chat, kung saan kung anu-ano ang makikita mo, pero may katuturan.

Player Guides and Quests, para sa mga baguhan, which I am not, thank you.

Yung Arts Center, na lagayan ng drawing at kung anu-ano pa.

Writers Pool, na lagayan ng mga sinusulat ng mga taong halata naman walang magawa sa buhay nila.

Yung Off Topic, kung saan kung anu-ano ang makikita mo din, pero walang ka-torya torya.

At ang Job Fair, na una kong binuksan for obvious reasons.

Hinanap ko kagad yung Section para sa mga Assassin Cross.
Turns out, mayroon palang division bawat job class.

Kapansin pansin yung mga thread na pinupuntahan ng madaming tao.
Yung POST YOUR BEST DAMAGE SA EMP ni T O R e Z U at yung polgas733 breaker build.

Sinimulan ko ang pagbabasa ko.
Doon, nakita ko kung ano ang mga ginagawa kong tama at yung mga pagkakamali ko. Masasabi mo na na si polgas nga... o yung thread ni polgas ang nagturo sa aken.

Doon ko nakita yung kahalagahan ng Thanatos card kung ikukumpara sa pipitsuging slotted na ice pick ko.

Ang laki ng diperensya kung tutuusin. Basta. Mahaba. Komplikado. Yun na yun.

Thanatos is better than Ice Pick. Period.

Matapos kong pag-aralan yung mga comment sa thread ni polgas, dumayo naman ako sa POST YOUR BEST DAMAGE SA EMP na thread. Doon, nakita ko na nakikita nila ang bawas nila sa mga tao, pati sa emperium.

Nakakapagtaka, dail ako, hindi naman.

Sinubukan kong magbasa.
Doon ko nalaman na may ginagamit silang program na kung tawagin ay "hex" para makita nila ang bawas kapag WoE na.

Madaya kung ako tatanungin mo.

Pero gusto ko din nun.

Nagbasa-basa ako.
Tinitignan na baka may taong maganda ang loob na magbibigay sa aken ng hex.

At meron nga.
Si spikey01.
At sakto, nandun pa yung YM nya.

Nagbukas ako ng Yahoo Messenger at in-add ko si kuya spikey01.

Maya-maya lamang at na-confirm na yung pag add ko.
Wow. Ayos to. Active siya.

militante_rafael: kuya
i_bleed_4r_you: ?
militante_rafael: hex po
i_bleed_4r_you: aw
w8
militante_rafael: kk po


Maya maya lang, may lumabas na window sa chat box namin. "16888" Ayun yung file name nung sinesend niya saken.

i_bleed_4r_you: accept m
militante_rafael: ok po


In-accept ko.
Nag-aantay ako noon.
After a few seconds nag-error.

militante_rafael: aw
i_bleed_4r_you: aw


Sinend niya ulit saken.
Di nagtagal, nag-fail nanaman.

i_bleed_4r_you: aw w8 nga

Shit.
Baka destined akong hindi magkaroon ng hex.

i_bleed_4r_you: e2 na
militante_rafael: ok po


At sa wakas. Natapos na den yung file transfer.

militante_rafael: anu na po?
i_bleed_4r_you: punta ka folder ng myro
tapos delete mo yung 16888
militante_rafael: aw
e dba po kakasend nyo lang?
i_bleed_4r_you: aw
indi un
basta punta ka dun
tapos delete mo yung 16888
militante_rafael: aw
ok po


Sinunod ko nga ang sinabi niya saken.

militante_rafael: ok na po
i_bleed_4r_you: paste mo yung sinend ko


And I did.

militante_rafael: tapos na po
i_bleed_4r_you: yan
ok na
kaw na lang bahala kung gus2 mo ilagay sa desktop para madale
militante_rafael: ahh
ok po
thx po kua spikey
i_bleed_4r_you: aw
sino to?
x warning emp?
militante_rafael: aw
indi po
i_bleed_4r_you: aw
cge
militante_rafael: thanks po kuya spikey ah
i_bleed_4r_you: np


"Nokz Team Defiance"
Shit. Anu nanaman 'tong pinasok ko?
Top
donthangmeup
Posted: Jan 7 2010, 10:48 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



Chapter 16: Blue and Red


Dumadaan ang mga araw na parang wala lang.
Bawat araw, nakaugalian ko nang gawin ang matapos makauwi, didiretso na sa computer shop sa tabi ng bahay naming.
Minsan, dahil dito napapagalitan ako ng mga magulang ko.
Madalas kasi, dahil hilig kong tumambay sa laro at makipag-usap sa ibang player, inaabot ako ng hanggang alas 10 ng gabi. Minsan, sinusundo ako ng tatay ko ng sinturon.
Ayos lang. Di ako nahihiya. Wala ako noon.

At least, ayun yung iniisip ko.

Isang araw, habang naglalakad ako sa PvP room sa Alberta --

Oo, naglalakad, naka-tuxedo at sa kapal ng mukha, nakiki-upo pa kahit may nagbabanatan na sa harap ko. Nakagawian ko na iyon. Tumambay. Bihira akong banatan ng ibang tao. Baka dahil kasi, kahit papaano, may ilan nang nakakakilala sa akin... saka may GTB ako noon... HAHA!

-- nakita ko yung kaibigan kong champion na babae na si ReTrY.
Pa-body-reloc-body-reloc yung champ. Ang kulit as usual.

ReTrY: oi

Siya unang bumati sa akin habang inii-spam niya yung mga skill ng champ na nakakapampahilo dahil yumayanig yung screen mo.

Sabay RO-gg.gif niya noong makalapit siya sa akin.

Nagtataka ako kung baket.
Wala namang nabago sa kanya.
Ganun pa din gamit niya. AoA, Elven at Romantic Flower pa den.

At hindi naman niya ako papatayin for sure.

Doon ko lang napansin yung guild nung babae.

“u N i O n”

iWontQuitEvenIfYouQuit: aw
iWontQuitEvenIfYouQuit: bat ganyan guild mo?
ReTrY: extension


Sabi niya sa aken extension.
iWontQuitEvenIfYouQuit: alam ba nila kai yan?
iWontQuitEvenIfYouQuit: amf baka magalit sila pag nakita yan
ReTrY: hinde
ReTrY: edi sasabihin ko pag OL na sila


Puta baka pati ako madamay sa gulong ito.
Mamaya sabihin nung mga GM namin, ginagamit namin yung pangalan nung guild nila. Baka mapa-sama pa ako. Wala akong kinalaman dito.

ReTrY: tara SP

Sabay flag nung ReTrY.
Nag-character select din ako para makabalik sa save point namin.

Tiyempo ba naman, online na yung x kAi na GM ng totoong guild na Union.
Nasa loob siya nung pub na ginawa nung ReTrY at mukhang naguusap na sila.

Amf. Baka mamaya idamay ako nitong babaeng ito pag napagalitan siya.

Maya-maya lang.

ReTrY: raf
iWontQuitEvenIfYouQuit: o?
ReTrY: pasok ka daw sa pub


Lumapit ako doon sa dalawa, inupo yung character ko at saka pumasok sa pub.

iWontQuitEvenIfYouQuit: aw

Pambungad ko yan. “Aw”

iWontQuitEvenIfYouQuit: anu pu un?
x kAi: gagawa daw kayo extension?
iWontQuitEvenIfYouQuit: aw


Sabi na nga ba.
Idadamay ako ng babaeng ito eh.

ReTrY: opo
ReTrY: ayos lang diba GM?
x kAi: uu


“Aw” Isa pa. Dahil di ko inaasahan ‘yon.

ReTrY: kita mo raf? ayos lng daw eh
iWontQuitEvenIfYouQuit: aw
iWontQuitEvenIfYouQuit: kaso panget pangalan
ReTrY: aw
ReTrY: e ano gusto mo?
iWontQuitEvenIfYouQuit: Union EX sana
ReTrY: aw
x kAi: wag panget pag may EX
iWontQuitEvenIfYouQuit: aw
iWontQuitEvenIfYouQuit: e anu po?
ReTrY: w8
ReTrY: break guild ko na 2
ReTrY: ako na bahala


ReTrY has left the room.

Di nagtagal, lumabas na din ako nung pub.
Hindi na kumikibo yung x kAi eh. Mukhang nag-AFK.

Pagbalik nung ReTrY, wala na siyang guild.
Na-break na yung unang ginawa niya.

Pagkalipas ng ilang saglit, lumapit siya sakin at nag RO-gg.gif

“Union”

iWontQuitEvenIfYouQuit: aw
iWontQuitEvenIfYouQuit: pano naging ganyan guild name?
ReTrY: may space sa unahan
ReTrY: bobo


Ay. Oo nga ano.
Pero yung emblem. Wala kaming kopya nung emblem.
Kung magiging extension man kami nung main guild na hawak nila kuya Kai, kelangan parehas kami ng emblem o kahawig man lang, kahit ibahin lang yung kulay.

iWontQuitEvenIfYouQuit: kua kai
x kAi: aw
x kAi: wag kuya
iWontQuitEvenIfYouQuit: aw
x kAi: tato na lang
x kAi: smile.gif
iWontQuitEvenIfYouQuit: ok po
x kAi: wat wat?
iWontQuitEvenIfYouQuit: enge daw kame emblem
x kAi: oki doki
iWontQuitEvenIfYouQuit: pano po?
x kAi: pa add sa ym
x kAi: furinx_28@yahoo.com

Sabay flag niya sa akin.

iWontQuitEvenIfYouQuit: che ikaw na
ReTrY: aw bat ako
iWontQuitEvenIfYouQuit: e ikaw may alam sa computer jan
iWontQuitEvenIfYouQuit: dba programming course mo?
ReTrY: uu
iWontQuitEvenIfYouQuit: o
iWontQuitEvenIfYouQuit: kaw na mag-edit
ReTrY: amf
ReTrY: wala akong photoshop dito sa laptop
iWontQuitEvenIfYouQuit: aw
ReTrY kaw na lang


Sus ginoo.
Malamang sa malamang tinatamad lang yung babaeng yun.
Hay...

Binuksan ko yung YM ko at in-add ko yung email address na binigay ni Tato.
Maya-maya lang, na-confirm na yung pag-add ko.

Send kagad nung emblem.
Sinave ko sa USB ko yung file.

Ayos!

iWontQuitEvenIfYouQuit: w8 lng
iWontQuitEvenIfYouQuit: edit ko lang sa bahay


Sabay pub ko ng “AFK” sa Upper Pront.

Iniwan ko muna yung PC ko at nagpaalam na uuwi lang ako saglit kay Jokweng.
Pag-uwi sa bahay, saktong walang naka-upo sa nag-iisang PC na gumagana.
Mukhang tulog si daddy sa taas. Ayos!

Binuksan ko yung Photoshop.
Shit.
Wala akong alam dito.

Tinawag ko yung kapatid ko na mahilig kumalikot sa mga ganitong bagay.

“Miraaaaaaaaaaaa!” sigaw ko

“OH!?!” sigaw niya pabalek.

“Likaaaaaaaaaaaaaaaa!”

Kahit hindi malaki bahay namin, sigawan ang maririnig mo. Nakagawian na eh.

“Anu?!?” tanung niya na parang naiirita

“Patulong naman sa photoshop. Di ko alam eh.”

“Saan?!?”

Sabay ang turo ko doon sa emblem.

“Ano gagawin diyan?” tanong niya ulit sa akin.

“Iibahin lang yung kulay” sagot ko naman.

“Tabi diyan. Ako na. Di ka naman marunong eh.”

Mukhang nagmamadali siya.
Tumayu ako at siya naman yung nakaupo na sa harap ng computer.

“Anung kulay ba?”

Nag-isip ako.

“...! Pula!”

“Pula? Ano ba kasi eto?” tanong niya

“Bastaaaaaaaaaa! Gawin mo na lang! Tanong ka pa, eh.”

May mga kinalikot siya.
Hindi ko alam kung ano iyon.
Inutil ako sa mga bagay na yan eh.
Maya-maya lang, unti-unting nagiging pula na yung emblem na color blue...
Elibs ako. How I wish alam ko din yung kinakalikot niya.

“Pwede na yan...” sabi ko sa kanya nang makita kong ayos na yung kulay.

“Para san ba ‘to?”

“Basta...”

Sabay save ko ulit sa USB at takbo ko pabalik ng Kiddo’s.
Top
donthangmeup
Posted: May 14 2010, 01:20 PM


Uguuuu :3c
Group Icon

Group: Admin
Posts: 9,393
Member No.: 10,894
Joined: 20-July 09



Chapter 17: The Beginning of a Good... 8467221d.gif



Simula noong gabing iyon, extension guild ng Union ang pinanghahawakan namin ni Cherry. Oo. Namin. Ni. Cherry.

Siya yung Champ na nagrereloc sa loob ng Castle, naghahanap ng pwestong walang tao, nag-eemergency call at sasabak pa den sa clash. (hindi na lang mag recon para refresh na yung E-call nya). At ako? Ako yung isa sa mga party leader niya. At ako yung nagpapasahod.

Masaya kami kase alam namin na ang mga kasama namin - ang mga core na miyembro nung main na guild ay puro malalakas. Puro Lord Knight na naka EMG. Nakakatakot, na pag pinag-sama-sama mo at pinapila, parang linya ng kalabaw na sasagasa sa'yo. At sa gitna nilang lahat, yung Taekwon Boy na kahit hindi ranker, ay pinipilit ang kanyang sarili sa gitna ng bakbakan.

Isang hapon, matapos ang nakaugaliang pag-uwi galing UPM, deretsong punta sa Kiddo's, at log-in sa MyRO, napansin ko na nagsisimula na sa pag-rerecruit ng miyembro yung mga Lord Knight sa Blue, at siyempre, si Cherry.

Ayoko naman mawalan ng silbi, diba?
Kinuha ko yung Tuxedo at EMG ko mula sa storage at Nag Pub na din sa isang place sa MoA. Maganda kase pag yung nag-RGM presentable diba? Mukang pogi yung EMG at Tuxedo. Aun na lang.

"RGM>NPC 70m FIX OPEN"

Ayan.
Ayos na.

Maya-maya lang, lumapit sa akin si Cherry at pumasok siya sa pub ko.

ReTrY: oi
iWontQuitEvenIfYouQuit: o?
ReTrY: bakit 70m yan?
iWontQuitEvenIfYouQuit: para madaming sumali saten
ReTrY: amp
ReTrY: bobo
ReTrY: pag nagtaas ka ng salary baka yung mga nasa main maglipatan dito satin


Napakamot ako ng sandali.
Bakit naman sila lilipat dito?
E puro NPC lang nandito.
Yung kinukuha nila Tato, FG at SG.

ReTrY: oi!
iWontQuitEvenIfYouQuit: oo
iWontQuitEvenIfYouQuit: magkano ba?
ReTrY: 50 lang
iWontQuitEvenIfYouQuit: kaya ko naman 70 ah
ReTrY: tanga amp
ReTrY: saka wag tau magbago ng sahod ng di nagsasabi sa kanila
ReTrY: baka magalit yun
iWontQuitEvenIfYouQuit: oo na sige na


ReTrY has left the room.

Pagkalabas na pagkalabas ni Cherry, iniba ko na yung nakalagay sa Pub.

"RGM>50mFIX Open EQ"

Ayan.
Para naman hindi siya magalit sa akin.
Balik na sa pag-rerecruit ng miyembro.

6:30 na halos.
Madalas kong tinitignan yung Alt+G ng guild.
Malapit na mag start ang WoE pero nasa kwarenta (40) pa lang ang mga miyembro namin.
Hindi naman sa nagtataka ako, pero nang mag-ec pareho sila Tato at Cherry sa Upper Pront, parang mas madami pa yung FG at SG sa kabila kesa sa mga NPC dito sa amin. At ang buong pagkakaalam ko noon, ang laki sa populasyon ng server na ito ang hindi pa nakakapag-donate o hindi pa sapat ang pera sa laro para makabili ng higit sa matitinong gamit.

Nag-PM si Cherry sa akin.

ReTrY: oi
iWontQuitEvenIfYouQuit: ow?
ReTrY: bakit ganun?
iWontQuitEvenIfYouQuit: anu?
ReTrY: ang daming sumasali kanila tato
ReTrY: mas matagal pako nag RGM kesa sa kanila sa MoA
ReTrY: NPC nga lang kinukuha ko, onti pa yung nasali
iWontQuitEvenIfYouQuit: ewan q
iWontQuitEvenIfYouQuit: baka loyal yung iba sa kanila?
ReTrY: amf


Nagsimula na ang WoE.
Pinilit kong hindi na lang isipin ang mga posibleng maging kasagutan sa tinanong nya sa akin kani-kanina lang.
Top
InvisionFree - Free Forum Hosting
Enjoy forums? Start your own community for free.

Topic Options



Hosted for free by InvisionFree* (Terms of Use: Updated 2/10/2010) | Powered by Invision Power Board v1.3 Final © 2003 IPS, Inc.
Page creation time: 0.2451 seconds | Archive